WE WERE WARNED. WE JUST NEVER LISTENED.

14528339_120300000374871248_1627833714_n
Image grabbed from the net

With everything that’s happening in our country today, nalulungkot ako.

Nagagalit ako.

Nanlulumo ako.

Nagtataka ako.

At minsan pa, napapailing ako at nasasabi ko sa aking sarili, “Wala na yata talagang pag-asa ang mga Pilipino. The country is doomed. Panahon na para isuko natin ang laban.

As of the latest count, more than 6,200 people are dead since Pres. Duterte took office six months ago and waged an intense all-out war against drugs. Ang mga balita that we wake up to each morning hinggil sa mga patayan sa nakaraang gabi ay karaniwang ipinagkikibit-balikat na lang natin. We, as a nation, have been desensitized because of over-exposure to such regular occurrences. After all, bakit pa nga ba tayo magugulat sa mga patayang ito? Hindi ba’t binalaan na tayo ni Digong when he was still campaigning na kapag nanalo siya, “it will be bloody, really bloody”?

Ilang beses nang naglabas ng narco lists at drug matrix si Presidente Duterte kung saan he names and shames officials and personalities na hinihinalang sangkot sa drug trade. Tama, the operative word here is “hinihinala”. Nalalagay sa alanganin ang reputasyon at buhay ng mga taong ito, pati na rin ang kanilang mga pamilya, based sa listahan na hindi maituturing na fool-proof at posible pa ngang compromised ang integridad. Sa katunayan, the president once issued an apology to some Pangasinan officials who “were wrongly included in the list”. E paano na ung mga napatay na ng mga pulis o vigilante? Sorry na lang ba ‘yun, better luck next time? Hindi na rin ba applicable ang “save the user, jail the pusher” campaign? Sabagay, ang pinapatay nga lang pala ay ang mga mahihirap nating kababayan. But some people would still ask, “Nasaan kasi ang due process? Bakit hindi kasuhan ang mga suspects na ito and allow them their day in court? Bakit kailangan silang i-subject sa ganitong proseso?” But then, again, bakit pa ba tayo kailangang magtanong? Hindi ba’t minsan nang sinabi ng mahal nating president, “There is no due process in my mouth”?

Five months ago, former president GMA was released after a four-year hospital detention due to plunder charges filed against her. She then announced her “most profound thanks” to Pres. Duterte. May ilang napataas ang kilay. Pero, bakit ba? Hindi ba’t, also during the campaign, nangako si Dueterte sa mga Kapampangan electorate that, once elected, he would have GMA released? Tinupad nya lang ang kanyang pangako. May isang salita kasi ang Tatay Digong ko.

A month ago, after the clandestine burial of Ferdinand  Marcos at the Libingan Ng Mga Bayani last November 18, si Aimee Marcos naman ang nagpasalamat kay Pres. Duterte. Marami ang nag-react. May mga sumugod pa nga sa EDSA People Power Monument upang ipakita nila ang kanilang disgusto sa pangyayari. Again, bakit ba? Totoo nga na sa panahon ng Martial Law, 70,000 were incarcerated; 35,000 were tortured; 882 went missing; and 3,257 were murdered. Totoo rin na ang foreign debt natin ay lumobo mula sa US$7 billion in 1965 when Marcos was first elected president to US$25 billion in 1986, the year he was ousted. Totoo rin na, ayon sa PCGG, ang total amount ng ill-gotten wealth ng mga Marcoses ay nasa US$10 billion. Sa halagang ito, only US$4 billion had been confiscated and returned to the treasury. The remaining US$6 billion is yet to be recovered. Pero ang pinakaimporatanteng bagay dito ay ang hindi pagkilala ng pamilyang Marcos sa mga kasalanan nila –o maging ng kanilang yumaong patriarch– noong Martial Law. So, paanong magkakaroon ng closure, moving on at pagpapatawaran kung wala naman palang kasalanan in the first place, di ba? Pero, again, hindi na tayo dapat na nabigla sa desisyon ni Digong. Itinuturing nya si Macoy na “best president ever”. Hindi ba’t ipinangako nya rin sa mga Ilocano electorate ang libing na ito once mahalal siya sa puwesto? He is a man of his word nga kasi.

Since Digong was shoved into the limelight in late 2015 when he filed his Certificate of Candidacy, hanggang sa kampanya at, ngayon, bilang pangulo ng bansa, walang nakaligtas sa tinatawag na phenomenal “gutter language” ni Pres. Duterte. Ang Santo Papa, ang mga Obispo at kaparian, ang United Nations, ang mga human rights advocates, si Senador De Lima, si Chief Justice Sereno, ang media, si US Pres. Obama, ang European Union, pati na rin ang Mexico, Australia at Singapore – lahat sila ay naging biktima ng potty mouth ni Digong. He also managed to provoke the ire of the Jews all over the world nang ikinumpara nya ang kanyang giyera laban sa droga sa Holocaust ni Hitler. A few days before that naman, the fierce animosity of what he fondly refers to as the “bleeding hearts” of the Catholic Church was roused anew nang sinabi niya that he “can teach God about justice”. Pero, ayon nga sa kanya, “Do not complain about my mouth. It is not a problem. It cannot bring down the country.” Isa pa, hindi ba’t kandidato pa lang siya, alam na natin ang kalibre ng bibig nya? Magtiis tayo!

Lastly, we have all been witness to this whole brouhaha in the Lower House. Ang ating mga honorable congressmen seem to take perverse pleasure in bringing down one woman. Isang tinik sa tagiliran, isang sakit sa ulo na hindi kayang gamutin ng Biogesic, isang kating nakakairita, isang Dennis the Menace sa buhay-politika ni Pres. Duterte. Iyan si Senador Leila De Lima. Malalim ang ugat ng galit ng ating unifying president sa senadora. Nagsimula ang kanilang tunggalian noong CHR chief pa lamang si De Lima and she made the grave mistake of poking her nose into Duterte’s alleged involvement in the Davao Death Squad. Obviously, Duterte has the memory of an elephant. At ang mga kaalyado nya are just too eager to please their master. Pinag-usapan pa ng ating mga kagalang-galang na konggresista ang posibleng pagpapalabas during the congressional probe ng di-umano’y sex video ni De Lima. I am not a De Lima fanatic. She may or may not be guilty of the allegations against her. Kagaya ng mga Pilipinong may bukas pang pag-iisip sa panahong ito, nais ko ring malaman ang katotohanan sa mga bintang na ‘yan. But that? That’s disgusting and perverse and is, obviously, a cheap shot. Masyadong mababa ito even for our congressmen. Unang-una, si Sec. Aguirre na mismo ang umamin that the said video is not duly authenticated by the NBI. So bakit nila ‘yun gagamitin sa kanilang probe? Para lang talaga ipahiya si De Lima sa publiko, that’s why. If they have enough evidence against the senator, bakit hindi sila magsampa ng mga kaukulang kaso sa korte? Sabagay, bakit pa nga ba? Hindi ba’t ang presidente na mismo ang nagsabing “She’s finished. She will go to jail”?

Hay, Pilipinas.

You were warned.

You just never listened.