WE WERE WARNED. WE JUST NEVER LISTENED.

14528339_120300000374871248_1627833714_n
Image grabbed from the net

With everything that’s happening in our country today, nalulungkot ako.

Nagagalit ako.

Nanlulumo ako.

Nagtataka ako.

At minsan pa, napapailing ako at nasasabi ko sa aking sarili, “Wala na yata talagang pag-asa ang mga Pilipino. The country is doomed. Panahon na para isuko natin ang laban.

As of the latest count, more than 6,200 people are dead since Pres. Duterte took office six months ago and waged an intense all-out war against drugs. Ang mga balita that we wake up to each morning hinggil sa mga patayan sa nakaraang gabi ay karaniwang ipinagkikibit-balikat na lang natin. We, as a nation, have been desensitized because of over-exposure to such regular occurrences. After all, bakit pa nga ba tayo magugulat sa mga patayang ito? Hindi ba’t binalaan na tayo ni Digong when he was still campaigning na kapag nanalo siya, “it will be bloody, really bloody”?

Ilang beses nang naglabas ng narco lists at drug matrix si Presidente Duterte kung saan he names and shames officials and personalities na hinihinalang sangkot sa drug trade. Tama, the operative word here is “hinihinala”. Nalalagay sa alanganin ang reputasyon at buhay ng mga taong ito, pati na rin ang kanilang mga pamilya, based sa listahan na hindi maituturing na fool-proof at posible pa ngang compromised ang integridad. Sa katunayan, the president once issued an apology to some Pangasinan officials who “were wrongly included in the list”. E paano na ung mga napatay na ng mga pulis o vigilante? Sorry na lang ba ‘yun, better luck next time? Hindi na rin ba applicable ang “save the user, jail the pusher” campaign? Sabagay, ang pinapatay nga lang pala ay ang mga mahihirap nating kababayan. But some people would still ask, “Nasaan kasi ang due process? Bakit hindi kasuhan ang mga suspects na ito and allow them their day in court? Bakit kailangan silang i-subject sa ganitong proseso?” But then, again, bakit pa ba tayo kailangang magtanong? Hindi ba’t minsan nang sinabi ng mahal nating president, “There is no due process in my mouth”?

Five months ago, former president GMA was released after a four-year hospital detention due to plunder charges filed against her. She then announced her “most profound thanks” to Pres. Duterte. May ilang napataas ang kilay. Pero, bakit ba? Hindi ba’t, also during the campaign, nangako si Dueterte sa mga Kapampangan electorate that, once elected, he would have GMA released? Tinupad nya lang ang kanyang pangako. May isang salita kasi ang Tatay Digong ko.

A month ago, after the clandestine burial of Ferdinand  Marcos at the Libingan Ng Mga Bayani last November 18, si Aimee Marcos naman ang nagpasalamat kay Pres. Duterte. Marami ang nag-react. May mga sumugod pa nga sa EDSA People Power Monument upang ipakita nila ang kanilang disgusto sa pangyayari. Again, bakit ba? Totoo nga na sa panahon ng Martial Law, 70,000 were incarcerated; 35,000 were tortured; 882 went missing; and 3,257 were murdered. Totoo rin na ang foreign debt natin ay lumobo mula sa US$7 billion in 1965 when Marcos was first elected president to US$25 billion in 1986, the year he was ousted. Totoo rin na, ayon sa PCGG, ang total amount ng ill-gotten wealth ng mga Marcoses ay nasa US$10 billion. Sa halagang ito, only US$4 billion had been confiscated and returned to the treasury. The remaining US$6 billion is yet to be recovered. Pero ang pinakaimporatanteng bagay dito ay ang hindi pagkilala ng pamilyang Marcos sa mga kasalanan nila –o maging ng kanilang yumaong patriarch– noong Martial Law. So, paanong magkakaroon ng closure, moving on at pagpapatawaran kung wala naman palang kasalanan in the first place, di ba? Pero, again, hindi na tayo dapat na nabigla sa desisyon ni Digong. Itinuturing nya si Macoy na “best president ever”. Hindi ba’t ipinangako nya rin sa mga Ilocano electorate ang libing na ito once mahalal siya sa puwesto? He is a man of his word nga kasi.

Since Digong was shoved into the limelight in late 2015 when he filed his Certificate of Candidacy, hanggang sa kampanya at, ngayon, bilang pangulo ng bansa, walang nakaligtas sa tinatawag na phenomenal “gutter language” ni Pres. Duterte. Ang Santo Papa, ang mga Obispo at kaparian, ang United Nations, ang mga human rights advocates, si Senador De Lima, si Chief Justice Sereno, ang media, si US Pres. Obama, ang European Union, pati na rin ang Mexico, Australia at Singapore – lahat sila ay naging biktima ng potty mouth ni Digong. He also managed to provoke the ire of the Jews all over the world nang ikinumpara nya ang kanyang giyera laban sa droga sa Holocaust ni Hitler. A few days before that naman, the fierce animosity of what he fondly refers to as the “bleeding hearts” of the Catholic Church was roused anew nang sinabi niya that he “can teach God about justice”. Pero, ayon nga sa kanya, “Do not complain about my mouth. It is not a problem. It cannot bring down the country.” Isa pa, hindi ba’t kandidato pa lang siya, alam na natin ang kalibre ng bibig nya? Magtiis tayo!

Lastly, we have all been witness to this whole brouhaha in the Lower House. Ang ating mga honorable congressmen seem to take perverse pleasure in bringing down one woman. Isang tinik sa tagiliran, isang sakit sa ulo na hindi kayang gamutin ng Biogesic, isang kating nakakairita, isang Dennis the Menace sa buhay-politika ni Pres. Duterte. Iyan si Senador Leila De Lima. Malalim ang ugat ng galit ng ating unifying president sa senadora. Nagsimula ang kanilang tunggalian noong CHR chief pa lamang si De Lima and she made the grave mistake of poking her nose into Duterte’s alleged involvement in the Davao Death Squad. Obviously, Duterte has the memory of an elephant. At ang mga kaalyado nya are just too eager to please their master. Pinag-usapan pa ng ating mga kagalang-galang na konggresista ang posibleng pagpapalabas during the congressional probe ng di-umano’y sex video ni De Lima. I am not a De Lima fanatic. She may or may not be guilty of the allegations against her. Kagaya ng mga Pilipinong may bukas pang pag-iisip sa panahong ito, nais ko ring malaman ang katotohanan sa mga bintang na ‘yan. But that? That’s disgusting and perverse and is, obviously, a cheap shot. Masyadong mababa ito even for our congressmen. Unang-una, si Sec. Aguirre na mismo ang umamin that the said video is not duly authenticated by the NBI. So bakit nila ‘yun gagamitin sa kanilang probe? Para lang talaga ipahiya si De Lima sa publiko, that’s why. If they have enough evidence against the senator, bakit hindi sila magsampa ng mga kaukulang kaso sa korte? Sabagay, bakit pa nga ba? Hindi ba’t ang presidente na mismo ang nagsabing “She’s finished. She will go to jail”?

Hay, Pilipinas.

You were warned.

You just never listened.

 

Advertisements

43 thoughts on “WE WERE WARNED. WE JUST NEVER LISTENED.

  1. I agree, DU30 was swallowed hook, line and sinker ng mga fanatics niya na I won’t described here. He’s an embarrasment and I cringe whenever I read headlines about him. Not long enough on the job but boy, look what he has done that Philippines is now the center of attention and I don’t think it’s for the good reason.

    Liked by 1 person

    1. Ang hirap kasi sa inyo puro negative lang ang tinitingnan nyo. Move on na kayo kung natalo man yung presidente nyo at ayaw nyo kay DU30 wag na kayong marami pang angal. Alam nating lahat kung gaano ka effective at ka galing si DU30 kumpara mo sa dating pangulo. Kaya nga tayo pinoy ay hinde umaasenso dahil puro tayo reklamo, ang gawin nyo nalang yung mga antiDU30 suportahan nyo nalang sya para tayoy mag kaisa hinde yung puro reklamo.

      Like

  2. Puro ka angal ngak ngak! Manahimik k n lng at sumorporta sa advokosiya ng pangulo. Due process k dyan, alam mo nmn ang hustisya dito sa pinas bulok ang sistema. Wag kng umangal n parang hindi mo alam ang sistema dito sa pinas mula sa maliit hanggang sa pibaka mataas n posisyon bulok ang sistema. Hindi ba gustong baguhin ni digong yun. Ang korapsyon kahit saang ahensya hindi ba gusto ring maalis ni digong yun. Mga korporasyon ng probado at pang gobyerno bulok din ang sistema at puro korapsyon dba gusto ring baguhin ni digong? Ngayon may mga pagbabago na madami na. Hindi mo ba nakikita? Bka puro computer ka lng buong magdamag at nanunuod ng mga balira na puro tapyas at dagdag. Ano b ang ikinahihiya mo ang batikusin tayo ng ibang bansa dahil mali mali din ang nakukuha nilang impormasyon o ipinaglalaban mo rin ang mga sindikato?

    Like

    1. Hindi po ba higit na magiging bulok tayo kung papatayin natin ang mga taong ito imbes na bigyan sila ng pagkakataon na magbagong buhay? Kailan ba naging barbaric ang ating sistema? Oo, tunay na bulok ang ating sistema, at WALA KANG KARAPATAN SABIHIN NA PURO ANGAL KAMI dahil kinokonsinte ninyo ang ginagawa ng ating Pangulo na mali pero dahil siya ang gumagawa at IDOL niyo siya ay OK lang… Bulok na nga ang sistema, sisirain ba… Magaling… :/

      Like

      1. pano naman ang pinatay at ni rape ng mga addict na iyan? higit pa sa barbaric ang pagpatay at pag rape ng mga addict na yan sa mga biktima nila, nakita mo ba yun? kung nanay mo kaya isa sa napatay at na rape ng addict, iyan pa rin ba ang stand mo sa mga addict?

        Like

  3. You are just bitter! Move on and side with the poor and law abiding citizen. Do not dwell on the reason that these lowly street drug peddlers need to earn a living by peddling drugs. Makoy is a nothing but past. I don’t think those things will happen again now that we are fully awaken of our situation. Its no longer time for any one to be moralist. Please, lets just help release the poor from bondage of poverty and drugs. No other president will lead us to do this. And no more viable remedy can be done aside from this.

    Like

  4. as I have said..in popular election..when we shut our mouth, let the will of the common masses prevail and just wait for the result…we deserve said government, unfortunately!

    Like

  5. IPAG PRAY NALANG NATIN SA LORD NA ANG MGA NAHALAL NA MAGSISILBI SA ATING BANSA AY MAGKAISA NALANG SA ADHIKAIN O LAYUNIN PARA SA IKAKAAYOS NG PAG UNLAD NG BANSA NATIN.WAG NANG MAGSISIHAN O MAGTURUAN O MAGKUMPARA SA NAKALIPAS.TAPOS NA IYON AT DINA PWEDENG IBALIK. ANG IMPORTANT AY NGAYON.

    Like

    1. The one who made this letter is just one of the few supporters of the yellow cult, obviously! Open your eyes so you can see yourself how better it is now than the last administration. With the number of surrenderees and the number of people apprehended, no one can say that we are heading the right direction except, of course, the few who belong to the cult of yellow!

      Like

      1. If you say by being better is having more people killed, I concede… In the case of the war against drugs, I commend the president, but is it necessary to sacrifice our morality and humanity? This is the most childish, immature, and inhumane administration in my point of view…

        PS: Don’t be offended, you are not the president… Gosh!

        Like

  6. All I can say is keep believing on that and do your job properly. But let Duterte do his job. Sad to say I don’t like drug addicts, drug pushers, corrupt media, and other criminals.

    Like

  7. These narrative is well done! Another Aquino loyalist have to be the author of this message. All pros for the negative but no cons for the positive,,, and there it is folks,, we thank Lorelei Aquino the author of this message ,, well done ooops but let’s not also forget the atrocities the Aquino clan have done to the Pilipino people. The massacre of the farmers, the selling of Philippine land to China, the proliferation of Shabu putting the Philippines in the map for being the number one and best Shabu producers and distributors in Asia,, all these and they even want to make a saint out of Cory??? Sheesh! All these etc etc,,, let’s not forget all that too.So well done miss author Aquino and tell your uncle Abnoy Panot I said hi! 😆😆😆

    Like

    1. Personalan na comment mo. Judgemental na …. But if you say that Duterte supporters are fanatics of a cult, I would leave you to have that impression. Kung yan ang ikatutuwa mo at ikahihimbing ng tulog mo sa gabi. This is a free country anyway. Thanks for your comment. It makes me realize that the things Duterte is doing have impact …. kasi nayayanig kayo.

      Like

    1. Bakit kayo natatakot? Drug addict na kayo? Etong gumawa ng article na ‘to ay baka aquino o d kaya natatakot dahil addict or may pinoprotektang addict!!! Lumayas kayo sa Pinas!!! D kayo deserving tawaging Pilipino!!! Natatakot at naaawa kayo sa mga drug addict? How about the victims na ginahasa at pinatay nla??? Pag puyo mo!!

      Like

  8. I truly appreciate what is happening in our country now. I know there are sacrifices to be made. I was and am prepared for the struggles I would go through because of the changes my country needs to do for the sake of my loved one’s future. What I am going to do is to continually pray for President Duterte, for the rest of the cabinet, for the police, for the Armed Forces. I would continually pray that God would give him the wisdom, good health, strength and boldness. I will do my best not to whine, not to complain and criticize. I will endeavor to pay my taxes correctly.

    Like

  9. Ewwww. When someone is doing his Job you people talk. When someone is not doing anything at all you did rant . Why the heck would u all blame to D30 which all the problems came from the past presidents themselves? You all are good in talking not thingking.
    If someone do good no one remembers but when someone do bad nonone forgets..
    We are now leaving in a country better than the past. Stop asking for more and just be satisfied.

    Like

  10. kana moy tinuod.. di lang mo kadawat sa realidad karon.. unsa pay cge ninyo ug quiaw2x dha.. it’s our time to clean up the rotten situation of our country.. Kulang pa na.. hulat pa mo sa insanity… it’s either iñyo sya ipa patay or maghulat mo Janus.a sya mahuman.

    Like

  11. Kaya ganyan kadami yang napapatay ngayon dahil naipon na sila sa sobrang tagal na walang aksyon ng mga nakaraang administrasyon na sila pang mga pumoprotekteka sa mga sindikato

    Like

  12. You’ve been warned that It will be bloody. Davao is Exhibit A and I am a direct beneficiary of the said Exhibit A. I can now even walk on the street of Davao alone in the evening and also early in the morning without having a problem. I feel secured.

    Like

  13. Yes, they were warned, but they still love DU30 up to this time. Unfortunately, only the oppositions are complaining.
    I guess, 16 million Filipinos still have HOPE for a “Better” Philippines, and the others, just gave up.
    Don’t shake your head and lose hope, ask yourself what you can do for your country to make it a better place for all Filipinos, now and for the next generation.

    Like

  14. bulag lang ang di nakakakita ng pagbabago….ang hirap nga naman maging bulag sa katotohanan!now even the Royal Queen of England say sorry to Pres.Duterte……and she is inviting him to visit her palace…..kaya mga losers na hindi maka move on…..wake up!baka naman tulog pa rin kayo sa katotohanan!!!

    Like

  15. i appreciate most of the things happening around me.. di na ako masyado takot sa kalye, may pagsusumbungan na ang mga tao ng complaints nila (dial8888) at meron ng 911 pa. takot na mga adik, dati tayo ang takot sa adik, may police visibility at nagtatrabaho na sila ng mabuti… at madami pa! yung pagiging foul mouthed ng presidente, tanggap ko yan! walang perpekto dba?? and yes we were warned pero sya na lang talaga ang huling pag asa natin! grabe, sya lang talaga ang may tunay na tapang at malasakit, wala ng iba! matanong kita, sino ba sana ang gusto mong nanalo??? sa tingin mo kaya nya ang nagawa ni duterte ng 3 months??? ay, wag mo na sagutin! alam ko na! better luck next time…

    Like

  16. Are you really aware of those words that comes out from your mouth? sige sabihin na nating some of them ay totoo specially yung pag mumura, dont you understand why he was so angry because of drugs? sobrang hirap bang intindihin na dahil sa war on durgs dahil na takot ang mga drug lords eh papapatay na lang nila yung mga contacts nila? bakit ba ang highlight parati yung namatay na mga tao adik? bakit hindi nyo i highlight yung mga sumuko? nanunuod naman kayo ng news db? ang mataas lng na percentage yung killings, bakit? eh kc nga nag papatayan na sila, cge lets just say my mga sangot na iilang pulis dyan, pero come on, everyone is trying to do their job now, ang problema kc satin eh were not contented, imbes na tumulong kau eh tuligsa kau ng tuligsa, palit kaya kayo, ikaw na lang mag presidente db, its so easy for you to say those things, kc wala ka dun sa situation ng presidente. Tigilan nyu na yan, wala na kameng tiwala sa media sa pinas, pinag tatanggol mo pa ung balyena, hindi mo ba alam ginawa nyan sa mga ofw katulad namin, dahil sa mga paninira nyan eh naaapektuhan kme dito sa ibang bansa, well ok lng ipagtatanggol namin si duterte dito, hindi ako super diehard fan pero nkikita ko ang improvement sa super ikling panahon.

    Like

  17. Kaya nanan pala e. Isang basurang Aquino pala yung writer. Aquino, lahi ng salot, cancer ng Pilipinas, yung Aquino lahi ng mga puta, lahi ng mga abnoy, so ok na ba? Tutal ngak ngak lang alam mo, ngak ngak na lang din itong sagot ko sa sinulat mo, ako di ako natatakot, nagdidwang ako, patayan? Bakit ako matatakot? Di maman ako adik at sigurado akong walang ni isa sa kamag anakan ko involved sa adik. Meron man, sila na rin nagbigay tuldok sa buhay nila. Digong pa rin, mga trapo at adik lang di nakakakita sa pagbabago sa Pinas. Lalu na kung ka angkan mo e trapong Aquino.

    Like

  18. A President firmed and able to do what has to be done along time ago….
    A President who will put his life on the line against anything and anyone who will and try to destroy our country….
    A President who will change our the childs future and the Philippines.
    Lets re-unite and help instead of being critiques….
    God bless Philippines!!!

    Like

  19. So sino gusto mo maging presidente? Si MarBOBO? Eh wala naman gagawin un eh, wala nga nagawa ung ABNOY, puro mali nakikita nio hindi na lang kayo tumulong, eh wala nga nagawa yang ABNOY nung nakaupo eh

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s