AN OPEN LETTER TO MY TATAY DIGONG

Dear Tatay  Digong,

Marami po akong naririnig na negative things na sinasabi nila laban sa iyo at, bilang isa sa iyong 103-milyong mga anak, nasasaktan ako. Sino po ba namang anak ang gugustuhing matawag ang kanyang ama na psychopath, sociopath, demagogue, misogynist, pathological liar, murderer at plunderer? Wala po siguro. Subalit, ngayon, halos buong mundo ang tumutuligsa sa iyo dahil sa inyong mga kilos at pananalita. At, sadly, pati ang pagtingin nila sa ating bansa at sa mga Pilipino ay apektado.

Dati po, kilala ang Pilipinas bilang “Asia’s bastion of Christianity.” When foreigners would describe us, lagi nilang sinasabi na ang mga Pinoy ay mabait, masayahin, matulungin, madasalin at magiliw sa mga panauhin. Ngayon, may reputasyon na tayo bilang bastos, bayolente at kriminal.

Tatay, tanggap ko po na sanay kayo sa “gutter language.” Hindi nyo po inilihim sa amin ‘yan kahit na noong panahon ng kampanya. Pero nangako po kayo sa amin na, once elected at bilang respeto sa iyong posisyon bilang Ama ng Bansa, you will become dignified. Ang sabi mo pa nga, “cussing will be a thing of the past.” So, ano po ang nangyari? Mula sa Pope, sa mga Presidente at Ambassadors ng iba’t-ibang nasyon, hanggang sa mga journalists, human rights advocates, mga kalaban sa politika at kaparian — lahat sila ay nakatikim ng iyong infamous na pagmumura. Hanggang ngayon, sa mga public appearances nyo, hindi pwedeng hindi ka magmura.

Tinitingala ka namin, Tatay, at itinuturing na aming role model. Sana po, mas maganda ang mga naririnig naming salita mula sa ‘yo. Isa pa po, cursing the other heads of state will foster animosity between their countries and ours. Bilang isang third-world country pa naman, alam nyo po na hindi natin kayang mag-survive without the help of our allies. Hinay-hinay lang po, Tatay.

Sabi din po nila, wala kayong “Palabra de Honor.” Mahilig daw po kayong magbitiw ng mga pangakong alam nyo namang imposible nyong matupad.

Nangako kayo that you will “solve our traffic woes in 100 days.” Tatay, walong buwan na po kayo sa Malacanang pero ang traffic sa EDSA, lumala pa. Pangako nyo rin that you will fight “patronage politics” pero pinayagan nyo ang paglilibing kay Macoy sa Libingan Ng Mga Bayani, ang pagpapalaya kay GMA, ang pagpapatakas kay Peter Lim, ang pangangamkam ng China sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea, at ang pagtatalaga ng mga showbiz personalities sa gobyerno. Totoo po na lahat sila ay nakatulong sa iyong kampanya pero, sana po, huwag ma-compromise ang kapakanan ng bansa sa pagnanais nyong makabayad ng utang na loob sa kanila. Country above all else po dapat, hindi ba?

Galit po kayo sa corruption, at hinahangaan ko po kayo dahil diyan. Pinagbantaan nyo pa nga dati ang mga corrupt officials na ihahagis nyo sila mula sa helicopter in mid-air, di po ba? E bakit nasa gabinete nyo pa po si Justice Sec. Aguirre? Very obvious naman during the senate investigation na plano nyang mag-extort ng pera mula kina Jack Lam. Pumutok lang ang issue kaya naghugas-kamay na lang siya. Si Sen. Pacquiao, malaki po ang atraso nya sa BIR. At si Sen. Cayetano, saang kamay ng Diyos po kaya niya nakuha ang malaking pera that he donated for your campaign?

Itong si Sen. Trillanes po, he claims na may hawak siyang mga documents proving na nagkaroon ng around P2.2 billion in deposit transactions sa bank accounts nyo. Para po mapahiya at tuluyan nang manahimik si Trillanes, bakit hindi na lang po kayo pumirma at mag-issue sa mga banko nyo ng waiver ng bank secrecy? That would effectively put to rest all these corruption allegations against you, Tatay.

Just the other day, during the celebration of International Women’s Day, you vowed to uphold gender equality. Mapaninindigan nyo po ba talaga ‘yan, Tatay, o isa na naman ‘yan sa marami mong rhetorical statements? Alam naman nating lahat na lagi nyong ipinagmamalaki ang pagiging matinik nyo sa chicks, na kesyo kaya nyong pagsabay-sabayin ang ilang babae sa buhay nyo. Hindi po ba’t isa nga ‘yan sa mga dahilan kung bakit nag-file ng annulment of marriage ang dati nyong asawa?

During the campaign, napulaan kayo dahil sa insensitive nyong comment about the Australian missionary na ginang-rape at pinatay ng mga preso. Kumalat din ang mga pictures nyo na nagpapaupo kayo sa hita at nanghahalik ng mga female supporters nyo. Nang naging Pangulo naman kayo, isa sa mga unang naging kontrobersya laban sa inyo ay ang pagpito nyo sa isang female reporter during a press conference. Hayan tuloy, sa Hollywood tv show na “Madam Secretary,” pinalabas nilang bastos ang Presidente ng Pilipinas. Kahiya-hiya po tayo sa buong mundo. Pero hindi po natin sila masisisi. Depictment lang po iyun ng kung ano ang mga naisusulat at napapanood tungkol sa inyo.

You also seem intimidated by strong women, especially women who have the balls to stand up to you. Nariyan sina Sen. De Lima (na hindi kayo tinantanan for your alleged human rights violations mula noong kayo pa ang Mayor ng Davao), SC Chief Justice Sereno (na kinwestyun ang paglalabas mo sa publiko ng mga pangalan ng mga “narco-judges”), Ombudsman Carpio-Morales (na pinaghinalaan mong siyang nagbigay ng go-signal na isiwalat ang iyong di-umano’y multibillion-peso bank accounts noong panahon ng kampanya), VP Robredo (na walang-tigil sa pagpuna sa mga patayan under your War on Drugs) at UN Special Rapporteur Agnes Callamard (na gustong imbistigahan ang spate of unlawful killings na nangyayari under your administration). Dahil parang hindi nyo alam how to deal with strong women like them, you resort to insult and threat. Tila, you want to humiliate them. You want to break them. You want to silence them. You want to control them.

FILIPPINE_-_0510_-_Presidente
Photo credit: mironline.ca

Tatay, sa palagay nyo po ba, kung buhay pa ngayon ang inyong ina ay ikatutuwa niya ang mga ginagawa nyo sa mga kabaro nya? O ang pagpayag nyong mailibing sa LNMB ang diktador na si Marcos? Malamang po, hindi. Alam naman po natin na matapang niyang nilabanan ang lahat ng uri ng pang-aabuso noong panahon ng Martial Law, di ba?

Siguro po, dahil sa pagtingala din sa inyo bilang kanilang ehemplo kaya may mga supporters kayo na nangharass online dati sa mga kabataang babae na nakilahok sa protest rally against the controversial Marcos burial. Tatay, ganyan kalaki ang inyong kapangyarihan at impluwensya sa amin. Kaya kung gusto nyong maging magalang kami, sana po, maging mabuting modelo ka sa amin.

During your speeches, lagi nyo rin pong sinasabi na alam nyo ang ginagawa nyo dahil kayo ay dating abogado. Pero sa bibig nyo na rin po nanggaling that, when you were a city prosecutor in Davao, you used to plant evidence to help the authorities when going after criminals. Tatay, hindi po ako abogado pero sigurado po ako na ang ganoong gawain ay labag sa batas. Alam ko rin po na may batas tayo laban sa bribery. So bakit hindi nyo po kinasuhan ang Mighty Corp na, ayon kay Mr. Salvador Panelo, ay sinubukan kayo dating suhulan? Katulad ng claim ni DA Sec. Manny Piñol na binigyan siya ng isang malaking agricultural company ng Rolex watch worth P450k, ng claim ni Justice Sec. Aguirre na sinuhulan diumano ni dating Sen. Jamby Madrigal at Binan Rep. Alonte ng P100 million ang mga convicted druglords to recant their testimonies against Sen. De Lima, at ng claim ni Sec. Andanar na binayaran daw ng $1,000 ang mga reporters who covered the presscon of self-confessed DDS leader Lascañas. Totoo po ba ang mga claims at allegations na ‘yun, o produkto lang lahat ng fake news?

Tatay, you are aware how sensitive the Filipinos are sa usapin ng Martial Law. Marami pa pong sugat ang hindi naghihilom mula sa madilim at mapanupil na mga taon ng pamumuno nina Marcos. Kaya, sana po, huwag mong gagamiting banta ang pagdi-declare mo ng Martial Law under any circumstance. Ginagawa mo kaming parang mga bata na tinatakot mo when we step out of line. Hindi po nakakatuwa ang ganun, Tatay.

Naniniwala po ako na matapang ka pero bahag daw po ang buntot mo kapag China na ang kaharap mo. During the campaign, ang sabi mo, magji-jet ski ka papuntang Spratly, itatanim mo ang bandila natin doon at hahamunin mo ang mga Intsik sa suntukan o barilan. Bakit po ganun? Ngayon na kinakamkam nila ang malaking bahagi ng West Philippine Sea, biglang wala kayong magagawa dahil superpower sila? Tatay, teritoryo at kasarinlan po natin ang pinag-uusapan at ipinaglalabanan dito; ang lupain na iiwanan natin sa ating mga anak at sa kanilang mga anak. Huwag nyo naman pong isuko nang ganung kadali lamang ito lalo pa nga’t based on the ruling na ipinalabas noong isang taon ng Arbitral Tribunal ng United Nations, naipanalo po natin ang ating arbitration case against China. Tayo po ang may exclusive sovereign rights sa West Philippine Sea!

Nang nagsalita kayo sa harap ng ating mga kababayan na nasa Myanmar, sinabi po ninyo that you are against same-sex marriage dahil ayon po sa inyo, aside from our Civil Code, Katoliko tayo. Kung saan po kamo tayo ipinwesto ng Diyos, dapat doon lang tayo. Seryoso ka ba sa statement mong ‘yun, Tatay, o nagbibiro ka lang? Dati po kasi, namumula ako sa ginagawa mong pagmumura at pambabatikos sa Simbahang Katolika. Tapos, ngayon, ang paniniwala ng Katolika ang gagamitin mong sandata laban sa apela ng mga members ng LGBT community? Isa pa po, ito ang linya nyo during the campaign, “Same sex marriage is good. Everyone deserves to be happy.” Ano po ang nangyari? Sinabi nyo lang ba yun dati to secure their votes? That is not so good, Tatay.

During that same speech, sinabi nyo rin po na safe na sa Pilipinas. Sa punto pong iyon, I’m sure na nagjo-joke lang kayo.

Let me remind you, Tatay, that under your War on Drugs, mahigit 7,000 na ang namamatay ayon sa official report ng PNP. May mga “suspected” drug offenders, may mga cases of mistaken identity, at may mga bystanders – either during legitimate police operations o by rogue police officers o vigilantes na masyadong siniseryoso ang call nyo to “slaughter them all.” Just today, I heard the news about a Chemical Engineering magna cum laude graduate from UP Los Banos na bigla na lang nawalang parang bula. Nag-aabang siya ng sasakyan at 4 am dahil first day of work nya sa kumpanyang inaplayan niya. Meron rin pong isang 20-year-old na lalaki ang dinukot ng mga naka-bonnet na assailants at isinakay sa isang van na walang plaka. Ang lalaking yun ay papunta lang sa drug store para bumili ng gamot dahil may sakit ang kanyang baby. Safe ba kanyo?

Alam nyo po, everytime na lumalabas ng bahay ang mga anak ko, kinakabahan at natatakot ako. Pero, bilang ina, ang kaya ko lang pong gawin ay ang pabaunan sila ng mga habilin: (1) Huwag makikipagtinginan sa mga pulis; (2) Lalayo sa mga naka-motorsiklo, lalo na kapag riding in tandem o nakasuot ng bonnet; (3) Kapag naka-witness sila ng krimen, tumakbo palayo; at (4) Kapag namamaga ang mata nila dahil sa magdamagang pagre-review, magsuot ng colored glasses. Mabuti na po ang nag-iingat, ‘di po ba? Baka mapagbintangan silang drug addict, bigla na lang itumba at takpan ng placard na nagsasabing, “Addict ako, huwag tularan.” Hindi ko po kakayanin kapag nangyari sa isa sa mga anak ko ang ganun.

Isa pa po sa mga naririnig ko is that you cannot tolerate criticism. Kaya nga po yata galit na galit kayo sa ipinadalang video message ni VP Leni sa UN Commission on Narcotic Drugs ay dahil isiniwalat nya ang mga totoong kaganapan sa bansa dahil sa inyong War on Drugs. Masyado kamong “atat” sa posisyon si VP. At part lang kamo ang lahat ng ‘yan (pati na rin ang Impeachment Complaint na inihain laban sa inyo) ng destabilization plot against your administration. Tatay, sa tingin ko po, hindi na kailangan ang ibang tao to destabilize your government. Kayo lang po — kasama ang inyong mga kaalyado na sina House Speaker Alvarez, Senate Pres. Pimentel, Justice Sec. Aguirre, PNP Chief Dela Rosa, Solicitor General Calida, Senators Pacquiao, Sotto, Gordon at Cayetano, mga appointees na sina Cesar Montano, Perfecto Yasay at Mocha Uson, at ang mga ka-DDS ko at mga bayarang trolls — ay sapat na to do the job effectively. Self-destructing nga raw po ang administrasyon nyo e.

Finally po, Tatay, nakikiusap ako sa inyo. Stop inciting emotional chaos. Temper your emotions lalo na kapag nasa harap kayo ng publiko. And don’t try to silence the opposition. Dapat nga po, you welcome dissent dahil ‘yun ang katunayan na buhay ang demokrasya sa ilalim ng iyong pamumuno.

‘Tay, I really hope and pray that you will soon start acting like the unifying and dignified President that you promised us you will be. The country deserves nothing less.

Nagmamalasakit,

Ang inyong anak

 

PS: Don’t forget to take your meds, Tatay. Nag-iiba ang timpla nyo kapag nakaka-miss kayo e.

Advertisements

18 thoughts on “AN OPEN LETTER TO MY TATAY DIGONG

  1. I like your style of telling the truth in your blog. Continue your expose and hopefully the concerned ones will wake up from their slumber.
    Best wishes to you!

    Liked by 1 person

  2. Ate, dapat mag-usap na tayong magkakapatid kung napapanahon na bang ipasok sa mental si tatay Digong. Ibang klase ung pag-uulyanin niya. Baka dumami pa kasi masaktan niyang mga tao dito satin at sa mga kapitbahay. Nakakahiya na ate.

    Liked by 1 person

    1. Opo nga kuya..mukhang nababaliw na si tatay natin. Pasok na kaya nga natin….baka naman kasi minumulto na sya ng mga pinapatay nya noon. Isa pa baka nasisira na ulo sa dami ng perang binigay ng China…dami na kasi ng pera natin, P2.2b…sana nakuntento na lang tayo.

      Like

  3. Isang payak na liham na punong puno ng tunay na saloobin ng isang taong mulat sa katotohanan ng kasulukuyang nangyayari sa kanyang kapa ligiran, mga ka alyado ng ating mahal na ama unawain lang po ninyo at himayin ang mga nangyayari sa liham na ito huwag tuligsain walang inaatake personal dito nais lamang ma ituwid ang ano mang napunang pagkakamali

    Liked by 2 people

  4. I will assume that you are going to get a lot of animosity from those who believe otherwise, and you will obviously be tagged as a “yellowtard”. It doesn’t really matter which side you are on. What you wrote is not unknown. The problem will be acceptance of the truth. Thank you for writing it in a very simple way. It can be easily understood by everyon, although hard to swallow for some.

    Liked by 2 people

  5. I take my hat off to the writter of this letter — so full of sense, up-to-date, and accurate in the incantation of the pervading realities in the country. The letter could not have been written any better. The casual approach was very effective particularly the use of “Taglish” which, nonetheless failed to camouflage the fluency of the writer in Plipino. Iisa lang ang objection ko sa lahat ng mga sinabi mo Ma’am, and this is when you said “tinitingala ka namin, Tatay, at itinuturing na aming role model.” I can’t accept him as a role model, and for that matter, I don’t even what to call him “Tatay.”

    Liked by 2 people

  6. Sana sumagot si Tatay dahil isa kang mabuting anak. Ipinapahayag mo ang katotohan bilang isang constructive feedback na pwedeng maging daan sa pagbabago. Salamat, Ms, Aquino. Isa kang nag-iisip na anak at may malasakit sa Bayan.

    Liked by 1 person

  7. Dear Mr President.
    I like your style. Sana po ay huwag kayong magbago at gawin lamang ang alam ninyong nakakabuti para sa ating lipunan. Huwag po ninyong pansinin ang mga taong walang ginawa kundi harangin ang ating magandang patutunguhan sa pamamagitan inyong pagmamaneho sa bayan.
    Meron man mangilan ngilan na ayaw sa inyong estilo sa pamamahala ay natural po lamang yan dahil hindi mo naman puwedeng mapagbigyan ang bawat isa sa atin.
    Ang aming lang hangad ay gawin mong malaya ang ating bayan sa illegal na droga, kurapsyon at kriminalidad.
    Ilayo ang aming mga anak sa masamang epekto ng droga, proteksyonan ang kaban ng bayan sa mga magnanakaw at pagpapatayin mo ang mga kriminal sa Pilipinas.
    Anuman ang paraan na alam mong epektibo para maisakatuparan ang ang aming hinahangad ay aming susuportahan.
    Huwag ka sanang makinig sa mga batikos na wala namang maitutulong sa problema ng ating bayan.
    Magmura ka man o pumatay ka man ay walang anuman at buo ang aming suporta basta lamang para sa kapakanan ng aming mga anak at para sa buong lipunan ng ating mahal na Pilipinas.
    Gawin mo ang anumang paraan paraan ayon sa inyong paniniwala at diskarte. Kami ay suportado sa inyo mahal na Pangulong-mayor.
    Naway bigyan ka pa ng magandang kalusugan para humaba pa ang inyong buhay para sa bayan at ng susunod pang henerasyon.
    ***Nilo Baligod***

    Like

  8. SIMPLE LANG YAN ….KONG AYAW NYO SA KANYA HAHANAPIN NYO TALAGA ANG MALI…WALANG PUWANG SA INYO ANG TAMA NA SIDE NYA…KAYA LANG ANG MAHIRAP DYAN KONG GANYAN PAG IISIP NYO ..DI NYO MASISI ANG MGA TAONG NAGSOSOLONG NA AYAW DIN SI LINI(NAPIPILITAN NA GAYAHIN KAYO PARA MAPAGTANGOL ANG KANILANG GUSTO)…AT BAKA YON RIN ANG RASON NA ANG KUNTING PAG ASA NYO NA ANG GUSTO NYO AY MAGING NASA TOKTOK NG KAPANGYARIHAN SA BANSA,,, AY TOLOYAN NG MAWALA …

    Like

  9. I would like to correct you on the last paragraph. He welcomes dissent. And he is not trying to silence the opposition. Please cite one instance that he did it. Dahil kung ginagawa nga nya yan, wala na sanang nagrarally sa labas, nakakulong na sana si Trillanes, at patay na sana si De Lima. I dont know, but this is a subtle tirade against the president. Pero shempre this is your blog. You can write all things you want to write. If you are against the president, wag mo na sya tawaging tatay. Nakaka-insulto kasi. Hehe. Anyway sanay naman sya na tinatawag ng kung ano ano.

    Like

    1. “…nakakulong na sana si Trillanes, at patay na sana si De Lima.” Not because he wasn’t doing both it would mean he’s not trying to silence his opposition. This simply means he’s a coward of sort. Jail Trillanes, kill De Lima and he wouldn’t know what hit him.

      Liked by 1 person

  10. Dear Mr President.
    I like your style. Sana po ay huwag kayong magbago at gawin lamang ang alam ninyong nakakabuti para sa ating lipunan. Huwag po ninyong pansinin ang mga taong walang ginawa kundi harangin ang ating magandang patutunguhan sa pamamagitan ng inyong pagmamaneho sa bayan.
    Meron man mangilan ngilan na ayaw sa inyong estilo sa pamamahala ay natural po lamang iyan sapagkat hindi mo naman puwedeng mapagbigyan ang bawat isa sa atin ayon sa kanilang kanya kanyang kagustuhan.
    Ang amin lang hangad ay gawin mong malaya ang ating bayan sa illegal na droga, kurapsyon at kriminalidad.
    Ilayo mo ang aming mga anak sa masamang epekto ng droga, proteksyonan ang kaban ng bayan sa mga magnanakaw at pagpapatayin mo ang mga kriminal sa Pilipinas.
    Anuman ang paraan na alam mong epektibo para maisakatuparan ang aming hinahangad ay aming susuportahan mahal na Pangulong-mayor.
    Huwag ka sanang makinig sa mga batikos na wala namang maitutulong sa problema ng ating bayan.
    Magmura ka man o pumatay ka man ay walang anuman. Buo ang aming suporta basta lamang para sa kapakanan ng aming mga anak at para sa buong lipunan ng ating mahal na Pilipinas.
    Gawin mo ang anumang paraan ayon sa inyong paniniwala at diskarte. Kami ay suportado sa inyo mahal na Pangulong-mayor.
    Naway bigyan ka pa ng puong may kapal ng magandang kalusugan para humaba pa ang inyong buhay para magsilbi sa bayan at ng susunod pang henerasyon.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s