TULA NG PAGBATI

Nagsimula ang lahat sa pagkakaibigan

Na nauwi sa isang madamdaming kasalan;

Sa harapan ng altar, pangako ‘y ibinigay

Na tayo ay magsasama nang panghabambuhay.

 

Tatlong magandang supling, tayo’y biniyayaan

Upang suportahan, pagyamani’t alagaan;

Sa murang edad ay sabay nating natutunan

Buhay-maypamilya pala ay hindi biruan.

 

Marami mang problema’t pagsubok na naranasan

Dahil walang iwanan, lahat ay nakayanan;

Malaking tulong din ang kapangyarihan ng dasal

Tayo’y ‘di pinabayaan ng Poong Maykapal.

 

Sa dalawampu’t-isang taon ng ating samahan

Bilang magkatuwang, mag-asawa’t magkaibigan,

‘Di matatawaran ating mga pinagdaanan

At hawak-kamay na nasawata at nalampasan.

 

Sa oras man ng kalungkutan o panahon ng kasiyahan

Matinding pagdarahop man o pagbangon sa kasaganaan,

Sa banig man ng karamdaman o kama ng kalusugan

Tayo ay magkasama…..pinagtibay ng karanasan.

 

Ngayong anibersaryo ay ating ipinagdiriwang

Hayaan mong ikaw ay aking mahandugan,

Nitong munting tula na aking pinagpaguran

Dugo, pawis, uhog, luha ang aking ipinuhunan.

 

Kalakip ng tulang ito ay mga litrato

Na sinulatan ko ng mga “cute” na komento;

Mga kaibigan, at syempre pa ikaw, mahal ko

Sana’y magustuhan nyo itong payak na alay ko.

 

ISTORYA NG AMING BUHAY PAG-IBIG

1
ang aming sakalan, este, kasalan

 

Matapos ang aming kasalan ay ang mga unang taon ng kalabitan, daganan, lambingan, kargahan, pasanan, halikan, yakapan, hawakan ng kamay, harutan, at tawanan.

 

Subalit, tulad ng lahat ng iba pang mga pag-iibigan, nagkakaroon din kami ng mga tampuhan, isnaban, dedmahan, kagatan, sabunutan, suntukan, sakalan, panaan, walang pansinan, palakasan, pasikatan, at seryosohan.

 

 

Ang lahat ng ito ay natatapos naman sa suyuan, pangakuan, pilitan, pakiputan, at pagkakasunduan.

 

Pero, ang totoong sikreto sa mahaba at masayang relasyon namin ay ang pagiging bata once in a while. May talunan, taguan, languyan, kainan, inuman, palamigan, pa-selfiehan, pagpapakilala sa kanya-kanyang mga kaibigan, laruan, pakyutan, pa-Korean, galaan, paturistahan, papormalan…..

 

at sandamakmak na papichuran! 🙂

 

Kami ay umaasa na, hanggang sa wakas, kami ay patuloy na magsasamang may ngiti sa mga labi — nagmamahalan, malusog at masaya. “Forever and beyond,” iyan ang pangako namin sa isa’t-isa.

68

 

Note: Here are more articles about our love story.

Keeping The Flame Of Love (And Romance!) Ablaze

The Cheesiest Day of the Year Deserves This Cheesiest Message!

Tula Ng Pag-ibig at Pagmumuni-muni

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s