TULA NG PAG-IBIG AT PAGMUMUNI-MUNI

 

 

Sadya nga palang ang buhay

Ay maliwanag at makulay!

Tila sinagtala

Sa kalul’wang nawawala.

Parang bulalakaw

Sa pusong may panglaw.

Animo’y bahaghari

Sa mundong humihikbi.

Kawangis ay araw

Sa kalangitang mapusyaw.

Kapag ikaw ay kasama

Puso’y lipos ng ligaya;

Walang ibang nakikita

Kundi ganda at pag-asa.

Hagikgik ng sanggol

Masayang pagbayo ng tambol.

Tunog ng kampana

Malamig na hangin sa tumana.

Kahulan ng mga tuta

Nakabibighaning tawanan ng mga bata.

Huni ng mga ibon

Kaaya-ayang indayog ng mga dahon.

Tigatik ng ulan

Bulungan ng magkasintahan.

Samyo ng bulaklak

Pamilyang nagmamahalan nang busilak.

Kapag ikaw ay kasama

Lumbay ng mundo ay ‘di alintana;

Mga suliranin sa paligid

Himalang nababawasan, lumiliit.

Trapiko sa EDSA

Baha sa España

Pangbu-bully ng Tsina

Panggugulo ng mga terorista.

Tigang na lupa

Iligal na droga

Mga komunista

Mabagal na hustisya.

Talamak na nakawan

Malalang kahirapan

Mga pulitikong nagbabangayan

Mga buhay na kinuha ng digmaan.

Kriminalidad na hindi masawata

‘Di magkatugmang mga paniniwala

Lahi, teritoryo, relihiyon, kasarian

Sa maliit na bagay ay nagpapatayan.

Ang malaking agwat ng mahirap at mayaman

Mas lumalaki pa dahil sa kasuwapangan

Kung ang mahirap, tiyan ay laging walang laman

Ang mayaman, problema’y anong bansa ang susunod na pupuntahan.

Inang Kalikasan ay ginagahasa

Ang mundo’y nakaratay sa hirap at dusa

Darating ang araw, ito’y magugunaw

At tayong lahat, sabay-sabay na papanaw.

Sa lipunang tigib ng hilahil at siphayo

Poot, galit at ‘di pagkakasundo-sundo

Kapag ikaw ay kasama at sa aki’y nakaakbay

Nalilimot ang lahat, ngiti ay sumisilay.

 

Sadya nga palang ang buhay

Ay maliwanag at makulay!

13548730_10209654111979710_1109621749_o

Advertisements

2 thoughts on “TULA NG PAG-IBIG AT PAGMUMUNI-MUNI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s